Wednesday, March 23, 2011

Sino nga ba ako?


Sino nga ba ako?
-ang talambuhay ni Apple Sheena R. Silvestre

ako at ang pamilya ko



                Ako po si Apple Sheena Silvestre 17 taong gulang. Pinanganak noong ika-7 ng marso 1993. Naalala ko noong apat na taong gulang pa lang ako dumedede pa ako sa bote. Sabi ng mama ko, hindi ko na daw dapat gawin yun dahil hindi na ako bata. Noong 5 taong gulang ako ay nag-aaral na ako nang kinder. Palipat-lipat kami ng school dahil sa trabaho ng papa ko. Kayat ang mama ko na lang ang naghahatid sa akin sa pagpasok sa eskwelahan. Isang araw ng sunduin ako nang aking mama ay naaksidente ako dahil sa kagustuhan kong bumili ng candy sa kabilang tindahan ay bumitaw ako sa pagkakahawak ng aking ina. Derederetso ako sa aking pagtawid at hindi ko namalayan na may paparating na motor. Napatigil ako sa gitna ng kalsada. at di na nakapagpreno pa ang drayber ng motor. Ako ay nabangga at tumalsik sa kabilang kalsada. Agad naman akong dinaluhan ng aking ina. at pumara ng isang tricycle ang aking ina para dalhin ako sa ospital. Sinabi ko sa aking ina na nawawala iyong isang pares ng sapatos ko. Bumaba saglit ang aking ina upang hanapin ang aking sapatos. Nakakatuwa mang isipin na sa bubong pala ng tindahan tumalsik an aking sapatos. Nang nakasakay na kami papuntang ospital ay nanginginig ang buong katawan ko. Nang nasa ospital na kami ay  nakita ko iyong batang babae na tinatahi ang ulo.takot na takot at umiiyak ako sapagkat akala ko ay katulad ng ginawa sa batang babae ang gagawin din nila sa akin.Ibinili ako ng tinapay at juice ng aking ina para tumigil na ako sa pag-iyak.

ako nung una akong umabay sa kasal ng tiya ko.


             Noong mag-aanim na taong gulang ako ay naghiwalay ang aking mga magulang. Pinipilit ko si mama na isama ako sa kanyang pag-alis ngunit dahil sa medyo malala na ang kanyang sakit ay hindi na niya ako isinama. Baka raw hindi niya ako maalagaan. Iyak ako ng iyak hanggang sa makutulog ako. Simula noon mag-isa na lang ang aking ama sa pagpapa-aral sa aming magkapatid, hanggang sa makatapos ako ng elementarya.

Noong labing-dalawang taong gulang naman ako,ay nag-asawa ulit ang aking ama.nagpasiya sila na lumipat kami ng tirahan sa Malvar,Batangas. At dun na din ako nag-aral ng High School. Ang aking ama ay sa San Gabriel San Pablo City pa rin nagtatrabaho,ang lugar kung saan kami dating nakatira. Ngunit hindi naging maganda ang pagtrato sa akin  ng aking step-mother. Lagi niya akong sinisigawan at pinapalo dahil lang sa konting pagkakamali na aking nagagawa. Nang dahil sa kalupitan na ginagawa ng aking step-momther,ay natuto akong magcut ng klase,magbulakbol at magrebelde.Sa bahay ng aking kaibigan ako pumupunta kapag hindi ako pumapasok. Nauwi lamang ako sa aming bahay kapag alam kong oras na ng awas namin. Nang minsang makita ako ng aking nakatatandang kapatid na pinapalo at sinisigawan ng ina ng aking madrasta ay nagpasya na ang kuya ko na tumakas na lang kami sa poder ng aking ama upang hindi na muli pang maulit ang pagmamalupit nilang mag-ina sa akin.at dahil sa nangyaring iyon ay napatigil ako sa pag-aaral.

             At dahil din sa nangyari, nagkahiwalay kami ng aking ama. Napapunta ako sa poder ng aking ina. Isinama niya ako sa Visayas. Naranasan kong mag-biyahe ng malayo sakay ng bus noong sumakay kami sa barko ay natakot ako dahil ang pakiramdam ko noon ay parang anumang oras ay mahuhulog ako sa dagat at makakain ng pating.naging masaya ako doon dahil madami ang nakilala ko at naging mga bagong kaibigan ko. Lagi kaming pumupunta sa ilog. Nanghuhuli kami ng katang,isda at hipon nangunguha din kami ng tulya.   Nang minsan kaming maligo sa ilog ay may nangyaring hindi ko malilimutan. Kasama ko noon ang mga kaibigan ko, naglalangoy sila doon sa malalim na parte ng ilog. Siyempre ayoko namang maiwang mag-isa kaya kahit hindi ako masyadong marunong maglangoy ay sumunod pa rin ako sa kanila. Nang nasa may parteng gitna na ako ay medyo nahihirapan na akong maglangoy parang namamanhid na ang aking kamay at paa. Hanggang sa unti-unti ko nang nararamdaman na lumulubog na pala ako. Pinilit kong makalangoy pero hindi ko na tlga kaya.
               Hindi na rin ako makasigaw dahil marami na akong naiinom na tubig. Mabuti na lang at nakita ako ng isa sa mga kaibigan ko. Tinulungan niya akong maka-ahon at hinila niya ako sa mababaw na parte ng tubig. Dahil sa nangyari ay nagpasya na kaming umuwi ng bahay.Sinabi ng aking pinsan sa aking ina ang nangyari.kaya naman ang dami kong inabot na sermon. Pinagbawalan na din ako ng aking ina na huwag na huwag na daw akong maliligo sa ilog dahil kapag nangyari ulit iyon ay ibabalik na niya ako sa aking ama. Pero dahil sa pasaway ako ay palihim naman akong naliligo sa ilog. Minsan ay isinama ako ng aking ina sa bundok kung saan ay naroon ang iba’t-iba nilang pananim.Pero hindi ako nakapag-aral doon dahil na rin sa kahirapan ng buhay doon. 
             Kaya naman ipinasya ng aking ina na ibalik na lamang niya ako sa aking ama. Upang ang aking ama na lamang ang magpa-aral sa akin. Di ko akalain na sa murang edad ko di ko naisip na ganoon ang kahihinatnan ng buhay ko. Di ko naisip na masakit pero kailangan kong tanggapin. Masaya ako na gumaling ang aking ina sa sakit na leukemia. Salamat sa diyos at hindi niya ako pinabayaan. Mabait pa din siya sapagkat hindi niya ako hinayaan na tuluyang mangulila sa ina. Naisip ko tuloy na pag nawala si mama, ulila na nga ako sa pag-aalaga niya pati ba naman ang presensya niya mawawala pa?

           Malungkot man ang buhay ko pero nananatili akong matatag. na sa poder ako ng aking ama. Di ko nga lang kasama ang aking ina. Salamat na din sa mga kaibigan ko na patuloy na nagpapasaya sa akin. Ito ako at ang buhay ko. Alam ko sa likod nito may isang magarang buhay para sa akin.
ako ito ngayon

ako  kasama ang mga kaibigan ko:)
         Heto naman ako ngayong 4th year na ako. Kasama ko mga kaibigan ko. Sobrang saya ko dahil kahit anong mangyari hindi kami nag-iiwanan. Sila ang kasama ko sa hirap at ginhawa nang aking buhay. Para na kaming magkakapatid kung magturingan. Sa wakas, matatapos na rin ako nang high school kahit malayo sa akin ang aking ina. Sigurado ako na matutuwa ang aking mga magulang dahil kahit na magkahiwalay ang aking mga magulang ay heto ako ngayon,maghahandog na ng aking diploma sa kanila.
kami pa rin ng mga barkada ko!


Tuesday, February 22, 2011

Sino Nga Ba Ako?


-ang talambuhay ni Apple Sheena R. Silvestre


ako at ang pamilya ko

Ako po si Apple Sheena Silvestre 17 taong gulang. Pinanganak noong ika-7 ng marso 1993. Naalala ko noong apat na taong gulang pa lang ako dumedede pa ako sa bote. Sabi ng mama ko, hindi ko na daw dapat gawin yun dahil hindi na ako bata. Noong 5 taong gulang ako ay nag-aaral na ako nang kinder. Palipat-lipat kami ng school dahil sa trabaho ng papa ko. Kayat ang mama ko na lang ang naghahatid sa akin sa pagpasok sa eskwelahan. Isang araw ng sunduin ako nang aking mama ay naaksidente ako dahil sa kagustuhan kong bumili ng candy sa kabilang tindahan ay bumitaw ako sa pagkakahawak ng aking ina. Derederetso ako sa aking pagtawid at hindi ko namalayan na may paparating na motor. Napatigil ako sa gitna at di na nakapagpreno pa ang drayber ng motor. Ako ay nabangga at tumalsik sa kabilang kalsada. Agad naman akong dinaluhan ng aking ina at pumara ng isang tricycle at dinala sa ospital. Sinabi ko sa aking ina na naawala yung isang pares ng sapatos ko. Nakakatuwa mang isipsin na sa bubong pala ng tindahan tumalsik an aking sapatos. Nang nakasakay na ako papuntang ospital nanginginig ang buong katawan ko sapagkat akala ko ay tatahiin ang aking ulo. Binili ako ng tinapay ng aking ina.

ako nung una akong umabay sa kasal ng tiya ko.


Noong mag-aanim na taong gulang ako ay naghiwalay ang aking mga magulang. Pinipilit ko si mama na isama ako sa kanyang pag-alis ngunit dahil sa malala na ang kanyang sakit ay hindi na niya ako isinama. Baka raw hindi niya ako maalagaan. iyak ako ng iyak hanggang sa makutulog ako. Simula noon mag-isa na lang ang aking ama sa pagpapa-arl sa aming magkapatid, hanggang sa makatapos ako ng elementary.

Noong labing-dalawang taong gulang naman ako, nagpasya ang aking ama na lumipat kami ng tirahan sa Malvar,Batangas. At dun na din ako nag-aral ng High School. Nag-asawa ulit ang aking ama. Ngunit di kami magkasundo ng aking step-mother. Lagi niya akong pinapalo dahil lang sa konting pagkakamali. Nang dahil sa kalupitan na ginagawa ng aking step-mom, natuto akong magcut ng klase at magbulakbol. Nauwi lamang ako pag alam kong oras na ng awas namin. Nang minsang makita ako ng aking kuya na pinagmamalupitan ng aking madrasta ay nagpasya na ang kuya ko na tumakas na lang kami sa poder ng aking ama. At napatigil ako ng pag-aaral.

At dahil din sa nangyari, nagkahiwalay kami ng aking ama. Napapunta ako sa poder ng aking ina. Isinama niya ako sa Visayas. Pero isinauli din niya ako sa aking ama. Di ko akalain na sa murang edad ko di ko naisip na ganoon ang kahihinatnan ng buhay ko. Di ko naisip na masakit pero kailangan kong tanggapin. Masaya ako na gumaling ang aking ina sa sakit na leukemia. Salamat sa diyos at hindi niya ako pinabayaan. Mabait pa din siya sapagkat hindi niya ako hinayaan na tuluyang mangulila sa ina. Naisip ko tuloy na pag nawala si mama, ulila na nga ako sa pag-aalaga niya pati ba naman ang presensya niya mawawala pa?

Malungkot man ang buhay ko pero nananatili akong matatag. na sa poder ako ng aking ama. Di ko nga lang kasama ang aking ina. Salamat na din sa mga kaibigan ko na patuloy na nagpapasaya sa akin. Ito ako at ang buhay ko. Alam ko sa likod nito may isang magarang buhay para sa akin.
ako ito ngayon
ako  kasama ang mga kaibigan ko:)
Heto naman ako nung 4th year ako. Kasama ko mga kaibigan ko. Sobrang saya ko dahil kahit anong mangyari hindi kami nag-iiwanan. Sila ang kasama ko sa hirap at ginhawa nang aking buhay. Para na kaming magkakapatid kung magturingan.
kami pa rin ng mga barkada ko!

langit sa hirap

Langit sa hirap
-Talambuhay ni Cristina Malabuyoc
ako nung 7 years old ako.
     

Sabi ng mga magulang ko maliit palang ako gusto nang maging guro. sa taong 1 year old hanggang 6 year old wala ako masyadong natatandaan. wala rin akong nasasabing mga litrato noon pagkat di pa naman uso ang mga kung ano-ano. saan nga ba ako dapat magsimula? ah siguro sa ganitong paraan na lang. pangatlo ako sa magkakapatid 3 maria at 1 hari kami. anak ako ng isang katiwala sa bukid at isang simpleng may bahay. sa edad na 7 taon ako tumungtong ng unang baytang. andiyan yung hatid sundo ako ng aking ina. natatandaan ko pa noong akoy na sa unang baytang lagi akong nauutusang maglinis! syempre bata pa ako kaya takot sa guro. natatandaan ko pa noon pag-uwi ko may natitirang P5 mula sa baon ko. nakakahiya mang aminin pero tatawagin ko ang aking ina at sasabihing "inay may pera po akong natira, P5 hati tayo ha". nakakatawa mang aminin pero paghahatian namin ng inay ko iyon. meroon pa noong gada sabado at linggo walang pasok syempre pahinga kung baga para sa amin. magyayaya mga kalaro ko sa umaga at kami ay maglalaro ng tinda-tindahan. ang pera namin ay puro papel tapos kukuha kami ng maliliit na sanga ng santol at kunwari ay sigarilyo, tapos kukuha kami ng gumamela ilalagay namin sa tubig, pipigain namin hanggang sa maging malapot at tatawagin naming langis. mayroon kaming bahay-bahayan. magsisimula kami na masaya at magtatapos na sa tanghali na magkaka-away. nakakatawa ngang isipin hindi ba? tapos pagdating ng hapon magkakabati na ulit kami. tapos malalaro ng sipa, teks, sikyo, chinese garter at patintero. ganoon ang buhay ko noong na sa unang baytang ako. paulit-ulit at nakakatawa. at dahil bata pa nga madami pa akong mga bagay na hindi alam. at aba! pagsapit ng huling taon kandidata ako sa mga may medal. tuwang-tuwa ang aking inay at ama sa unang taon pa lang ng pag-aaral ay may sabit agad.

Ikalawang baytang na ako. maraming masayang nangyari sa akin dito. medyo iba na nga lang araw noon. dito ako nagsimulang ilaban hindi sa away kundi sa mga akademiks. ito pa ang masaya noong nakipag-suntukan ako sa lalaki. nakakahiya mang aminin pero totoo. pero humingi naman ng tawad nung naka-away ko. ikatlong baytang ang masayang alaala ko lang ay nung mayrasyon ng tinapay. wala akong lalagyan ng tinapay kayat kukuha ako ng papel at doon ko ilalagay. mayroon pa noong natakot ang guro ko dahil nagdugo ang ilong ko na kailangan tawagin ang mga magulang ko. mayroon pa na nahulog ako sa papaya at nagkaroon ng sugat na naging peklat sa kanang bahagi ng braso ko.

Nang na sa ika-4 na baytang na ako lumipat kami sa pangasinan. doon ko naranasan ang ibat-ibang karanasan. inilaban ako sa ibat-ibang contest at nakarating sa division. masasabi ko din na marami akong naiambag na karangalan sa aking paaralan. ganoon din noong ako ay na sa ika-5 baytang. sa ika-6 na baytang, nagpasya akong lumipat nang paaralan dito sa laguna. sa pagtatapos ng taon hindi ko naranasan na umakyat sa entablado para abutin ang deploma ko dahil nagkataong kasal ng ate ko. ngunit isang pangako ang nabuo sa aking isipan na dapat matupad ngayong high school.

Bumalik ulit kami sa pangasinan. doon ako nalungkot sapagkat naghirap kami ng lubos. lahat kami ay umuwi sa pangasinan. naging washer ng bote ng alak ang aking mga magulang. naranasan nila na magkaroon ng alipunga para lang mkakain kami. nakitira kami sa bahay na tiyahin ko. tuwing naaalala ko iyon, naiiyak ako. muntik nang mapariwara ang buhay ko. nabarkada ako sa mga barkadang may fraternity. salamat na lang at nanaig ang awa sa magulang kayat di ako napasama sa samahan nila. sa ikalawang taon ng pag-aaral sa high school nabarkada ulit ako at bumaba mga marka ko. s mga panahong iyon, awang-awa ako sa mga magulang ko kayat nagpasya akong lumipat ng paaralan. gaano kasakit para sa akin na ipamukha sa amin na nakikitira lang kami? bakit po ba may mga taong kahit kadugo mo na pinipilit kang ibagsak? diyos lang ang aking makakapitan ng mga oras na yun. namayat ang mga magulang ko sa pag-intindi sa amin. doon ako napilitan magtrabaho. estudyante sa araw ng lunes hanggang biyernes. sa araw ng sabado at linggo isa akong katulong at tagapag-alaga. gaano kasakit para sa akin iyon? tiniis ko lahay nang iyon dahil gusto kong kumita nang sarili at matustusan ang pag-aaral ko. sa loob ng 3 taon, masasabi ko na matyaga ako sapagkat sa halagang isang libong piso kada buwan sa trabaho pinilit kong makatapos ng pag-aaral. masakit para sa amin ang nangyari sa amin. mayroon pa noong binagyo kami ng bagyong peping. lumipat kami sa evacution center dahil sa taas ng tubig.

Ngayon ay nag-aaral ako na ika-4 na taon sa high school. minsan naisip ko napaka-unfair naman NIYA. bakit ganoon? bakit kung sino pa ang mga taong gusto at nagsusumikap na magtapos sila pa yung walang-wala? pero sa huli naisip ko, swerte ko din pala, ang iba nga di pinalad na magkaroon ng magandang pamilya. samantalang ako, sa hirap at ginhawa kasama ko sila. sa lungkot at saya andiyan sila. di ko rin maiwasang pagkumpara ang sarili ko sa iba. bakit kaya ganito ang buhay? minsan kahit anong laki ng problema ko, dinadaan ko na lnag sa biro at tawa. kasi para sa akin masaya na ako bastat napapatawa ko ang mga taong malapit sa akin. ugali ko rin ang pangaralan ang iba pero ang sarili ko di ko kayang pangaralan. haynaku! ang buhay nga naman mabait pa din SIYA sapagkat pinagkaloob niya ako sa mga taong may paninindigan at pagsusumikap. yun bang kahit magdikdik kami ng asin ay ayos lang basta magkakasama kami.

Marami akong pangarap sa akin at sa pamilya ko. tulad nang nasabi ko sa una may pangarap ako na dapat matupad ngayong high school. yun ay ang makaakyat sa entablado at masayang inaabot ang diploma habang nakitingin sa ina ko at masayang nakangiti. isa sa mga pangarap ko ang makapagpagawa ng sariling bahay. isang bahay na maganda. yun bang magbubuhay hari at reyna ang aking mga magulang para naman maranasan nila ang masarap na buhay. at para na rin patunayan sa mga taong nangmata sa amin na hindi sa lahat ng oras ay kaya nila kaming sumbatan. pangarap kong mapagtapos ang aking bunsong kapatid. higit sa lahat pangarap ko din na maging isang Call Center Agent. ito ang hilig ko. pangarap ko sa pamilya ko? magarbong buhay, pero pangarap ko sa aking sarili ay isang simpleng buhay.

Gusto kong ipatikam sa mga magulang ko ang kalagayan ng isang buhay na parang na sa langit. gusto kong ipakita at iparamdam sa kanila ang langit na nararamdaman ng mga taong mayayaman. isang langit na di nila natikman ngayon. naniniwala akong nasa likod ng hirap ko ay may isang langit na nakalaan para sa akin. naghihintay lang ng sipag at tiyaga. at pangako ko sa sarili ko na maaabot ko iyong langit na iyon. hind muna sa ngayon, pero lalo sa madaling panahon.
ako ngayong 4th year:)

                                                                        

Nagpapasalamat ako sa diyos, sapagkat sa mga pagsubok na binigay NIYA lalo akonh naging matatag. lalo kong naisip ang tunay na kahulugan nang sipag at tiyaga. gusto kong isigaw sa buong mundo na balang araw aangat din kami. salamat sa kanya sapagkat isa na akong babaeng matatag, babaeng may paninindigan at pangarap.

Gusto kong isigaw na " may langit para sa akin". sabihin na "inay, itay, maghintay lang kayo sapagkat darating ang oras na tayo naman ang na sa itaas". gusto kong ipagpilitang "inay, itay mahal ko kayo, asahan ninyo magtatapos ako para tulungan kayo at ipadama ang isang langit na di ninyo inaasahan".

si silke, ako at si apple
Ako yan at ang aking mga kaibigan. higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanila. kapatid, at kapamilya na din na matatawag sila. sila ang takbuhan ko pag may problema ako. kaya naman sa pagtatapos kong ito. hindi ko sila makakalimutan kahit anong mangyari.
mga best friend ko at ako



Alam kong darating ang araw, ibang landas na ang tatahakin namin. pero mananatili pa din sila sa puso ko. hanggang maabot ko ang aking mga pangarap.

si apple,ang bestfriend ko



Siya ang pinaka-kalog sa aming grupo.siya si apple. masaya ako na kasama siya. pero mas masaya pag kumpleto ang grupo. isip bata man pero mahal namin siya. kahit anong mangyari nagtutulungan kami. sabi nga namin,"ONE FOR ALL, ALL FOR ONE..." problema ko, problema nila. problema ng isa, problema ng lahat.ganyan kaming magkakaibigan.darating ang araw magkikita ulit  kami.yan ang talambuhay ko, simple ngunit may aral.
Salamat po:)
                             

Sunday, February 20, 2011

                                            Ang Talambuhay ni Patricia Danica Alcantara Ronquillo
                                                   ( ang babaeng masayahin kahit may problema )

       Ako si Patricia Danica Alcantara Ronquillo,labing-anim na taong gulang,nakatira ako sa brgy.San Pedro San Pablo City.Ako ay ipinanganak sa san mateo san pablo city.Ako ay mayroong tatlo pang kapatid,sila ay nagngangalang rhonalyn ronquillo,ang aking panganay na kapatid.si angelica joyce ronquillo ang aking pangalwang kapatid.at ang aking bunsong kapatid ay si johnrich ronquillo.ang aking mga magulang naman ay sina richard ronquillo at gana ronquillo.ako ay mayroon na rin dalwang pamangkin,sila ay sina karylle arrabella at shaneine Althea Esguerra.

     Si papa ay tubong Maynila at si mama ay tubong Laguna.Silang dalwa ay nagkakilala  raw sa pagiging konsorte at reyne elena sa lalawigan ng San Pablo City.Dahil sa palipat-lipat dito ni papa,nakilala niya si mama ng lubusan.Duon daw nag-umpisa ang kanilang mga damdamin.Subalit sa kanilang edad,ang aking lola at aking lolo ay tumutol sa kanilang relasyon,kaya't patagong naging magkasintahan ang aking nga magulan noong mga araw na iyon.Sila ay nag-aaral sa magkaibang paaralan.Si papa ay sa SPC at si mama naman ay sa annex-4 na ngayon ay Del Remedio National Highschool.Kung magkikita man sila ay patago at ang nakakatawa nito ay kakunchaba nila ang aking ninang marie,ang mas nakakatanda sa akina ina.Lagi silang tinutulungan nito para magkita.Ngunit hindi nagtagal ay nalaman din nila ang relasyon ng mga magulang ko at hindi na napigilan ng mga lola ang bagay na ito.Dahil sa kapusukan,si mama ay nabuntis ng hinda inaasahan at siya ay hindi naka-pagtapos,subalit si papa ay nag-patuloy sa pag-aaral at naka-pagtapos siya.Nuong dumating na sila sa tamang edad at panahon,sila ay nag-pakasal at nagsama sa iisang bubong.

      Ako ay nag-simulang pumasok noong ako ay limang taong gulng pa lamng sa paaralan ng San Mateo Elementary School bilng kinder.Lagi ako noon nagsusulat kahit hindi pa ako masyado maalam.Ang aking guro ay sina Mrs.Teresita at Mrs.Elaine Escondo.Sila ay mababait,maunawain at matulungin.Ang kalimitang kasama ko nuon ay ang aking pinsan na si Rubilyn alcantara.Tuwind walang pasok,panay lang ang paglalaro  namen sa aming bahay kasama ang aking kapatid,minsan namn ay tamang tulog at kain lang ang aming pinag-kakaabalahan,bibihira lang ako mag-gala sa ibang bahay.

       Tuwing bakasyon naman,bibihira ren ako lumabas ng bahay.Kung wala man ako sa aming bahay,siguro nasa bahay lang ako ng mga pinsan ko at lola ko.Duon lang naman ako nagbabakasyon eh o kaya ay nag-siswiming kaming mag-kakapamilya.

      Noong ako ay nag-elementarya,duon parin ako pumasok sa San Mateo Elementery School,dahil nuon ay sa San Mateo San Pablo City kame nakatira,duon ako ipinanganak at duon din ako lumaki at nag-dalaga.Ang mga naging guro ko ay sina : Mrs.Reyes ( grade one ) Mrs.belen ( grade two ) Mrs.Flores ( grade three ) Mrs.Belen ( grade four ) Mrs.almario ( grade five ) Mrs.Belen ( grade six ).mayroon akong paboritong guro ito ay si Mrs.Reyes na ngayon ay principal na sa school ng open door.Madami rin akong mga naging kaybigan nuonng ako ay elementarya,sila ay aina : Abigail Exconde , Fatima Natuel , Mary Grace Belen , Claudette Aquino , Eloisa Acosta , Ladilyn Sadicon , at si Leydilyn Padrerogaya.Sa lalaki naman ay sina Daryll louis carillo , joden de jesus , joshua bague ,Lester belen,Herries Marcus Gonzales,silang lahat ay nakatira pa rin sa San Mateo..Yung iba sa kanila ay mga high school na din ngunit yung iba ay hindi na napasok dahil sakakapusan sa pera at yung iba ay tinatamad naman.Madami akong mga karanasan noon,mga masasaya,malulungkot ay kahihiyan.Tulad nalang sa kasayahan,kaming magkakainigan ay laging naglalaro ng chinese garter o kaya jackstone,kahit minsan ay mayroong kadayaan.Sa malungkot naman nuong lumipat ng school ang isa kong kaibigan na si kristine soriano.Sa kahihiyan naman madalas ako sa putikan at ang daming nakikitang mga lalaki.Ang mga iyan ay ilan pa lamang sa mga naranasan ko ,madami pang iba,ngunit hindi ko na ipo-post dahil ang haba haba.Pero hindi ko malilimutan ang mga bagay na ito,masasaya at malulungkot man,kapupulutan parin ng aral. Salamat sa mga nakasalamuha ko,mga gurong nagturo sa akin ng aral mga kaibigang nagpasaya at kung minsan ay naka awy din.Salamat sa mga tulong.Madami akong natutunan sa kanila, kaya ako ay nakapagtapos ng maayos at nakapag highschool.Nang bakasyon, lagi akong nasa bahay ng pinsan namin na sina mark anthony viray at michael angelo viray upang magbakasyon doon at magsaya,lagi kaming babad sa television,computer at kung minsan ay namamsyal kung saan saan. Sadyang nakakapagod ngunit hindi maaalis ang pagiging masaya............
.Ang nasa picture na ito ay ang aking kapatid , ang pinsan kong si Anjeneet at ako.. Nasa Batangas kami nan . Kasi my okasyon at naduon din ang mga iba ko pang kamag-anak..
ate ko at ako :) Hindi kami masyadong close ng kapatid ko , ngunit sa tuwing sinasabi ni mama na kami ay dapat mgmahalan at magbigayan kami ay nakikineg.Iyang paicture na yan ay sa luma nameng bahay sa Brgy.San Mateo San pablo city. Ako ay Tatlong taon palang daw sa larawang iyan.
       Nung bata pa ako,madaming nagsasabi na mataba at mapangit daw ako,dami din nagsasabi na akoy ampon lamang at nakuha sa basurahan ngunit sila ay nagbibiro lamang.Nung ako ay nagdalaga,hindi mo maiiwasan ang magkaroon ng isang gusto sa isang tao syempre dalaga,habang nagdadalaga raw ako,ako daw ay naganda at nasexy,syempre laki ng ulo ko nun dahil napuri ako.Nagsasali na rin ako nung sa mga pagandahan kahit  minsan natatalo tinatanggap ko yun.Tulad noong ako ay first year sa dizon high,lumaban ako ngunit sa kasawiang palad ,hindi ako natanggap dahil balugaen pa kasi ako noon..may pag-ka emo ako noon..


itong picture na ito ay nuong 2nd year ako . Nasa Sariyaya quezon ako.. May swimming kami ng pamilya ko..Napag tripan lang mag Picture :)




  Nung ako ay nag high school,sa dizon high ako pumasok mula first year hanggang 4th year.Nuong first year ako, section ko ay "C" ang room namin ay yung katapat ng library na room ngayon na 3-science.Ang adviser namin ay si mrs.Edna Belen, madami kami nuon sa isang section halus 50+ na. Mdaming naging kaibigan,crush at maging kaaway.Nbuo ang tropang cute ghalz o mas kilalang TCG kami ay pito noon sina aina valencia,pauline hernandez aileen lagarto,almira cerdan,hazelyn solis cristina samio at ako.Masaya kami pag magkakasama,ngunit dahil sa isang lalaki,nagaka away away at nagka watak watak.Kahit hindinamin gusto,kailangan kasi nagkakasakitan na sa pagsasalita,hanggang sa mabuo na ulit ang isang samahan kami ay walang pangalan pero ang mga barkada ko ay sina  Roseann lorenso , glecy lozada , luvelen quibral ,Mutya astrologio at si janus luigi fernandez . bgunit simula ng mapasama ako sa kanila , napabayaan ko ang aking pag-aaral . Hindi ko naman sila sinisisi dahil ginusto ko din ang makasama sa mga gimik at kalokohan nila . Ngunit sa kasawiang palad , nagka'away-away din kami dahil sa isang lalaki . Nakakalungkot man, kailangan maghiwa-hiwalay dahil nagkakasakitan  na din kami at madaming tumututol sa samahan namen . Ang hindi ki malalimutan ay yung napatawag ang magulang namen dahil nag-cutting kami upang manuod na ibong adarna . Nasamsam ang cellphone ko nuon dahil tumunog ito kasi inalarm ni darwin .Napaiyak talaga ako dahil sa kahihiyan at kakatakutan.Ako naman ay nakabawi nuong bandang huli at nakatapos ng first year at magsesecond year na .


Nasa Saryaya Quezon kami Nan ng pamilya ko.. Masaya kasi buo kami at kasama ang mga iba pang kaybigan

     Nuong ako ay second year , sectin "C" paden ako may mga bagong kaklase pero karamihan ay ang mga kaklase ko parin nung first year ako.nagpapasalamat ako dahil nasa "C" paden ako.Ang adviser namrn ay si mam.Lingad +pero dapat ay si mAM Bidula.Tulad nuong first year nagkaroon ulit ng panibagong barkada..ang tropang 'tae' ang mga kasama ko ay sina katherine rosales,hazelyn solis,honey santos at rinalyn castillo.Nakilala ko rin si Nelson Alcantara naging crush ko at kaasaran ko,na habang tumatagal ay naiin love na pala ako sa kanya.Hindi nagtagal ay naging kami, noong una hindi ko alam na kami na pala ay magkamag anak.Sa iisang brgy.kame nakatira kaya kilala siya ng magulang ko. Hanggang dumating yung punto na pilit kaming pinag hihiwalay dahil mag kamag anak kami. Pero dahil sa pagmamahalan naming tunay,wala silang magawa para kami ay maghiwalay,nagpatuloy kami at nagmahalan.Wala naman akong masyadong naging problema noon at nakatapos din at naka 3rd year naman...........

.
Ako parin ito .. Nasa bahay ako nito..ngayung 4th year ito..
at ako pa rin ito .. Ngayon lang tong 4th year..



     Nuong ako ay 3rd year , bumaba ang aking sectin at naging "D" ako.pero kahit pa naging D ako .. nagpapasalamat padin ako . Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng kaibigan  dahil ang barkada ko ay kasama ko parin namn,ang iba namn sa kanila ay maalam makisama kaya hindi mahirap pakitunguhan . Nagkaroon ng hindi pagkaka-unawaan ang aming barkada kaya nung mga oras na nag0Js ay hindi kami mag kakasama . nuong JS namen .. dalwang lalaki lan ang isinayaw  ako , dahil bakod ako ng buyfriend ko nuon , peru ayos lamang dahil nag-enjoy din akong kasama siya.. wala naman masyadong naging prublema at nakatapos naman ng 3rd year at ako ay magpo-4th year na ..

   nuong ako ay 4th year na , sa dizon pa rin ako pumasok naging 'E' ang section ko,si maam calanasan ang adviser namin.Napahiwalay sa amin ang isa naming barkada,ngunit hindi nagtagal ay nagka hiwa hiwalay na din kaming tatlo.Nagkaroon ng sari sariling barkada ulit.Pinasali ako sa labanan ng ms. at mr. intrams at sa kabutihan ay naging ms. senior ako.Ngunit naging medyo napabayaan ko ang aking pag aaral ngunit ngayon binabawi ko to at nag aaral akong mabuti sanay makapasa ako at makagraduate.Dito nagtatapos ang talambuhay ko,sana ay magkaroon ako ng maayos na kalusugan at maayos na pamilya...............



  Salamat sa mga taing naging bahagi ng buhay ko , at sa mga taong tumulong sa akin !



  SALAMAT :)




nUng Concert sa Dizon hiGh ! an Saya !!!!!!!!



   



       

Saturday, February 19, 2011

Ang aking mga karanasan





Ang talambuhay ni Ricky L Tenorio




Ito ako ng binibinyagan ako





Ito ako nung nagfieldtrip kami sa Manila Zoo




Noong ako ay bata pa mahilig akong makipaglaro sa mga kaibigan at mga kapatid ko. Halos araw-araw ay nasa labas kami at naglalaro. Inaabot na nga kami ng gabi sa paglalaro noon. Nang ako ay mag-Kinder ay napakalikot ko noon. Hindi ko pa nga alam noon kung ano ang aking pangalan, ang guro ko pa nga noon ang naglalagay ng pangalan ko. Nag lakbay aral nga kami noon  sa manila zoo ay sabik na sabik ako at napakasaya ko noong nakasama ako, ayun ang  unang beses na nakakita ako ng ganung mga hayop. Nilibot pa nga naming iyon.


 Ito ako nung nagrecognition kami

Nang ako ay tumuntong na sa unang baitang ay napakalikot ko parin noon at mahilig parin akong maglaro. Dahil narin sa aking kalikutan ay naaksidente ako noon habang kami ay naglalaro, nahulog ako sa may entablado doon pa sa may kanto ng entablado tumama ang aking mukha at ako’y umuwing duguan at luhaan. Ang puti kong damit ay naging pula. Pagdating ko sa bahay namin ay laking gulat ng aking ina, agad niya akong inalalayan at tinanong kung ano ang nangyari sa aking duguang mukha, habang ako’y kanyang tinatanong ay agad din niyang ginamot ang aking natamong sugat. Malapit narin noon ang aming Christmas Party, akala ko pa nga noon ay hindi ako makakadalo sa pagtitipon na iyon, buti nalang ay gumaling na agad ang sugat na aking natamo. Nang ako ay tumuntong sa ikalawang baitang ay natuto akong rumespeto dahil ako ay natakot sa aking guro.

                                 Ito naman ako ng ako ay grumaduate ng elementary




Nang ako ay makatapos na sa mababang paaralan, ako ay napahinto sa aking pag-aaral sa kadahilanang kulang kami sa pinansyal na pangangailangan. Nag-aaral parin noon ang aking kapatid na panganay sa kolehiyo at ang isa ko pang kapatid sa sekondarya sa isang pribadong paaralan siya nag-aaral kung kaya hindi kaagad ako nakapag-aral ng sekondarya. Pumayag naman ako sa mga naging desisyon ng aking mga magulang dahil malapit narin silang makapagpatapos sa kolehiyo at sekondarya. Di naglaon ay nagsimula akong tumulong sa aking ama sa pagtatrabaho. Naging katulong niya ako sa kanyang mga gawain, naging taga-pintura niya ako ng kanyang mga ginagawang proyekto, welder kasi ang tatay ko, lahat ng klaseng materyal na bagay na yari sa bakal ang aming ginagawa. Hinahangaan ko ang aking ama sapagkat siya ay napakasipag at mabait, bilang isang haligi ng tahanan ay nagagampanan niya ng maayos ang kanyang mga responsibilidad sa amin. Napagtapos niya ang isa sa amin. Habang ako ay tumutulong sa pagtatrabaho ng aking ama ay iniipon kong lahat ng binibigay niya sa akin kung baga ay parte o tinatawag na sweldo. Iniipon ko talaga un para sa aking pag-aaral kayat nagsikap ako ng husto upang makapag-ipon. Hinihiram din ng aking ama ang aking naipon paminsan-minsan kapag wala siyang pera o di kaya’y kulang ang pera niya pambili ng mga materyales. Hindi ko man lang talaga ginagastos ito kahit na mayroon akong gustong-gustong bilhin. Pinipilit ko talagang hindi ako gumastos noon, kahit na nahihirapan na akong tumulong sa aking ama ay pinipilit ko parin ang aking sarili dahil para rin naman ito sa akin o para rin sa aking pamilya dahil pare-parehas lang naman kaming makikinabang sa banding huli. Nakaisang taon din akong tumutulong sa aking ama hanggang sa kasalukuyan, hindi rin nagtagal ay nalalapit na ang araw ng pasukan, pinapili ako ng aking mga magulang kung saan ko gustong pumasok, sa pribado ba o sa pampublikong paaralan. Ang aking napili nuong una ay sa pampubliko dahil masmakakamura kami dito. Pinuntahan namin ang iskwelahan, pero noong nakita ko ang iskwelahan ay bigla akong nagdalawang isip sa kadahilanang napakarami noong nag-papalista kung kaya’t binago ko na ang aking desisyon ukol ditto. Pinili ko na sa pribadong paaralan na cako pumasok dahil kakaunti lamang ang pumapasok dito at may airkon pa, kung kaya’t sa KINTNER CHRISTIAN ACADEMY ako nag-aral ng sekondarya.

Nang magpapasukan na ay sabik na sabik ako, nung nagsimula na ang pasukan ay kinabahan ako dahil wala akong kakilala, hindi rin naming nagtagal ay nakilala ko rin silang lahat at naging kaibigan. Napakasaya ko noong mga araw na iyon dahil lagi kaming nagbibiruan at nag-aasaran kahit na may guro na ay patuloy parin kami sa mga biruan at tawanan. Di naglaon ay natapos na ang isang taong at ang iba kong naging mga kaklase ay lumipat na ng ibang paaralan, hindi ko alam ang kanilang dahilan kung bakit sila lumipat at ang iba naman ay hindi na tinanggap sa aming paaralan. Noong nasa ikalawang antas na ako sa sekondarya ay hindi parin kami nagbabago, makukulit at pasaway parin kami kahit na ang iba kong mga kaklase ay lumipat na ng paaralan kami ay patuloy parin sa pag-aasaran at pagbibiruan kahit na may mga bago kaming mga kaklase ay madali naman naming silang nakasundo. Nang patapos na ang taon ng pasukan ay nalaman kong hindi na kaya ng mga magulang ko na pagaralin ako kayat nagpasya silang ilipat ako sa pampublikong paaralan at bigla akong nalungkot sa balitang iyon. Kinausap ko ang mga kaibigan ko tungkol dito, tinanong ko sila kung saang iskwelahan ang magandang pasukan at nagbigay naman sila ng kani-kanilang mga opinion ukol dito.


Pumapasok na ako noon sa ikatlong antas ng sekondarya sa DIZON NATIONAL HIGH SCHOOL, maayos naman noong una pero hindi naglaon ay nakaramdam ako nang kakaibang pakiramdam sa aking tiyan, nalaman kong mayroon napala akong sakit na ulser. Napasok nga ako noon isang beses isang linggo lang, akala ko nga noon na hindi ko na matatapos ang ikatlong antas ko sa sekondarya buti nalng ay nakapasa parin ako kahit paano.

Ngayon naman ay ang huling taon ko na sa sekondarya, kasabay noon ay ang laking tuwa ko dahil gumaling narin sa wakas ang ulser ko, naipagpapatuloy ko naman ng maayos ang aking pag-aaral at lalo ko pang pinagsisikapan dahil sabik na sabik na akong makatapos ng aking pag-aaral. Maraming mga masasayang aktibidad ang aking dinaluhan ngayong taon at doon ko nalaman na meron din naman pala akong angking talento. Handa akong gawin ang lahat ng aking makakaya para sa aking pamilya at para sa aking kinabukasan.

anak sa hirap - talambuhay ni silka katharina klieber

ANAK SA HIRAP
-talambuhay Ni Silke Katharina Klieber
Ako si Silke Katharina Klieber, 16 taong gulang. Ipinanganak noong October, 17. 1994 sa Manila Doctors sa Lungsod ng Maynila. Ang aking ama ay si Helmut Klieber(german) at ang ina na si Remedios Suquiat Klieber. Apat kaming magkakapatid, 3 maria at 1 hari, subalit namatay ang aking kapatid na lalaki o ang kaisa-isa naming hari noong February 2002. At ngayon 3 na lang kami magkakapatid na lahat ay maria. Nag-aral ako noong elementary sa Maynila, grade 1 hanggang grade 4 sa Sta. Isabel College at napalipat kami dito sa Laguna at dito ko ipinagpatuloy ang aking pag-aaral.
iyan ako nung nagsagala ako noong grade 5 sa aming lugar.

Nag-aral ako ng grade 5 hanggang grade 6 sa Don Enrique Bautista Elementary School dito sa Farconville Calihan. Di ko malimutan noonggrade 5 ako, sumali ako ng sagala o Reyna Elena dito sa aming baranggay, at lumaban din ng singing contest. Nung grade 6 naman ako, sumayaw kaming magbabarkada sa Plaza noong piyesta doon taong Jan. 2007. Sobrang saya ko noong mga panahong iyon, kasi kitang-kita ko sa mga mata ng mama ko kung gaano siya kasaya makita akong sumasayaw sa entablado. Ngunit, ako, malungkot na masaya din, dahil hindi ako nakikita ng ama ko na magperform sa entablado.
iyan naman ako ngayong 4th year high school ako. laki nang pinagbago ko no? nagmatured ako, di lang physicaly but also mentally.

Lumaki asi ako ng walang ama, hindi ko nga din alam kung paano magmahal at mag-aruga ang isang ama. Sinasabi lang sa akin nila mama ang tungkol sa kanya, nagkukwento. Sabi nils kung mag-usap daw kami dati ni papa, pa-german daw, hindi raw ako marunong magtagalog o mag-ingles. Ngunit nung umalis siya, limot ko na daw magsalita ng ganun. Palagi naming sinusulatan si papa. Telegrama ang uso dati noon at hind pangtawag sa ibang bansa. Naalala ko nung mga unang sulat ko kay papa, sabi ko, maalam na akong magsulat at magbasa. Marunong na din ako mag-add at mag-subtract. Nagpapadala din si papa ng liham sa amin buwan-buwan at may kasamang mga tsokolate.

2002 nung umuwi si papa sa amin. Kay tagal ding panahon bago namin siya nakapiling ulit. Halos 6 years naming siyang di nakasama. Noong una Masaya akong kapiling na ulit naming sa papa, ngunit di naglaon, pakiradam ko ayoko na siyang makasama pa. paano kasi, sa mura kong edad, konting pagkakamali lang amin ay ginagaruti na kami na papa. Yung ate Sam ko nga daw pinapaluhod sa asin at may hawak sa 2 kamay na libra at pati na din saulo. Di ko makalimutan yung pinagbuhatan ako nang kamay ng papa ko dahil lang sa di sinasadyang pagkakamali, nahampas ko ang ate ko noon.

Sabi ko dati,”grabe ganito pala magkaroon ng ama, sana hindi nalang siya bumalik”. Mula noon, nakaramdan na ako ng galit sa ama ko pero hindi purong galit, siguro dahil naisip ko, bilang pagdidisiplina lamang iyon kaya niya nagagawa ang mga bagay na ganoon. Pero sa kabila ng mga yun, nakita kokung gaani kami kamahal ng papa ko nung namatay ang kuya ko. Kahit hindi niya ito tunay na anak, tinuring parin niya itong anak. Hindi niya kami iniwan nung mga panahong hinagpis na hinagpis kami. 17 years old lang ang kuya ko nung namatay ito. Papa ko ang sumagot ng lahat ng gastusin oon at kami nila mama ay walang nagawa kundi umiyak na lang ng umiyak. Doon ko nakita na talagang mahal kami ng papa ko at hinda kami pinabayaan.

Matapos ng lahat ng iyon, ilang buwan ang nakalipas at umalis na ulit siya noong 2003. Bumalik siya sa germany upang magtrabaho ulit at makapag-ipon ng pera para sa amin. Nung nawala si papa, oo aaminin ko, nalungkot ako kasi nawalan na kami ng isnag lalaki, mawawala pa siya. Pero masaya na din dahil ilang taon din kami mawawalan ng tatay na walang ibang ginawa kundi manggaruti pag nagkakamali kami. 2004; grade 4 ako, sinali ako ng titser ko sa U.N. ang suot ko noon ay german dress. Grabe ang ganda ko noon. Parang Barbie doll lang.

Pagkatapos ng grade 4, syempra grade 5 at grade 6. Naalala ko nung grade 6 ako, may isang lalaki na nagkagusto sa’kin. Wari ko obsessed na nga yata eh. Hindi ako tinatantanan, hanggang ngayon! Graduation time. Ang saya ko at nakagraduate ako. Grabe high school na ako! At heto na nga. High school! First year; taong 2007 sa San Pablo Colleges. Wow exciting! Noong unang pasukan bago ako magpunta sa school lagi kong kinakanta ang kantang first day high. Tinatawanan ko nga sarili ko sa daan eh. Para kasi akong baliw. Masayang di mo maintidihan ang pakiramdam dahil high school! Masaya naman ang 1st year ko. Nagkaroon na madaming crush. Natuto akong gumawa ng extension cord or wire, at highit sa lahat, natuto akong makisama sa mga tao. 2008; 2nd year high school, medyo naghirap na kami. Nagbago ang buhay namin noon. Hindi ako nag-eexam tuwing examination day naming, palagi akong special exam. Wala kasi kaming pangbayad sa tuition fee. Umabot na nga ng P8000 plus ang utang namin sa S.P.C.  naranasan ko noon na magtrabaho, nagtinda ako noon ng bracelet, hikaw, bag na gawa sa cord( o sinulid) saka ng cellphone case. Si mama lahat gumagawa noo, ako lang ang nagtitinda. Naranasan ko din noon na binigyan ako ng Sir at Maam ko ng baon.

Noong una ayaw kong tanggapin kasi nakakahiya, pero pinilit nila ako kasi hindi na ako kumakain noon pag umagahan at tanghalian. Awa nang Diyos nakatapos ako ng 2nd year ng…. sabihin na natin na puro hirap, ngunit nagsumikap ako. Walang-wala na kami pang-tuition noon kaya nagpasya ang mama ko na lumipat kami ng school at ng tirahan. Dati kasing nasa apartment kami nakatira, ngayon sa bahay na ng mga kapatid ni mama. 2009 bakasyon; lumaban ako ng Mutya ng San Gregorio nung ,ga oras na iyon. Grabeng hirap ang pagparaktis naming dito. May pictorial pa ngang naganap, ang panget ko at ang taba ko pa noon! Tapos Mutya Night na!! and gosh. I can’t believe it!!!!! Nanalo ako!!!! Ako ang Mutya ng San Gregorio noong 2009. Then 3rd year high school. Nagtransfer ako sa Dizon High. Wala along kakila-kilala noon. Butiu nalang transferee din doon yung classmate ko nung 2nd year, si ate Giselle Sacdalan. Maganda naman at Masaya sa school na iyon. Ngunit, mas nagging Masaya ang 3rd year ko ng makilala ko ang isang lalaki at binigyang kulay ang mundo ko. Mas makulay at mas maliwanag kaysa sa dati. Nagbago ang buhay ko noon. Noong una magkaibigan lang kami at magkaklase, hanggang sa maging kami. Ang saya-saya ko sa piling niya! Naalala ko, sinuportahan niya ako noonh sumali ako sa Mr. and Ms. Intramurals, yun nga lang hindi niya yata ako napanood. Tapos hangga’t sa dumating ang Shindig, magkasama kami nanood. Tapos JS Prom pa. siya ang first dance ko, pamgalawa si Santiago at pantatlo si Odigerb. Feb.13 kami nag JS Prom at kinabukasan ay araw na ng mga puso.
iyan naman ako noong 3rd year high school ako.

heto ang mga kaibigan ko na tinuturing kong kapatid. kahit magugulo kami sama-sama kami sa mga kasiyahan at kalungkutan nang bawat isa. sama-sama at walang iwanan sa ere. pag kailangan ko sila, hindi sila nagdadalawang isip na tulungan ako. yan ang tropang "CHUBBYLITAZ".....
Matapos ang 3rd year, 4th year naman, 2010; kami pa din, yun nga lang hindi na kami magkaklase, pero ayos lang. madaming pagsubok ang dumating sa akin ngayong 4th year. Pero nakaya kong lampas an ang lahat ng yun at ko ang lalaking nagpatibok ng puso ko. Isang taon na kamimg mahigit, di ko akalain na magtatagal kami ng ganito, tanngap siya ng family ko at ganoon din ako sa family niya. Lahat ng magagandang pangyayari sa buhay ko ay may kapalitna kalungkutan, tulad na lang ng nagkasakit ang mama ko, na-ospital at nabuntis ang ate ko. Pero kinaya naming ang lahat ng iyan. Hindi lahat ng karanasan ay magaganda, lagging tatandaan na may kadikit itong kapighatian. Nawa’y sa mga darating na taon ay gumanda at umayos na ang takbo ng buhay namin. At maging langit na ang buhay na punong-puno ng kahirapan. At kahit anak lang ako sa hirap, hinding-hindi nawawala an gaming kasiyahan at pagmamahalan.
heto po ako nung nag-SM kami. kasama ko dito mga kaibigan ko. opening itto nung SM. nitong 4th year lang.

anak sa hirap