Tuesday, February 22, 2011

langit sa hirap

Langit sa hirap
-Talambuhay ni Cristina Malabuyoc
ako nung 7 years old ako.
     

Sabi ng mga magulang ko maliit palang ako gusto nang maging guro. sa taong 1 year old hanggang 6 year old wala ako masyadong natatandaan. wala rin akong nasasabing mga litrato noon pagkat di pa naman uso ang mga kung ano-ano. saan nga ba ako dapat magsimula? ah siguro sa ganitong paraan na lang. pangatlo ako sa magkakapatid 3 maria at 1 hari kami. anak ako ng isang katiwala sa bukid at isang simpleng may bahay. sa edad na 7 taon ako tumungtong ng unang baytang. andiyan yung hatid sundo ako ng aking ina. natatandaan ko pa noong akoy na sa unang baytang lagi akong nauutusang maglinis! syempre bata pa ako kaya takot sa guro. natatandaan ko pa noon pag-uwi ko may natitirang P5 mula sa baon ko. nakakahiya mang aminin pero tatawagin ko ang aking ina at sasabihing "inay may pera po akong natira, P5 hati tayo ha". nakakatawa mang aminin pero paghahatian namin ng inay ko iyon. meroon pa noong gada sabado at linggo walang pasok syempre pahinga kung baga para sa amin. magyayaya mga kalaro ko sa umaga at kami ay maglalaro ng tinda-tindahan. ang pera namin ay puro papel tapos kukuha kami ng maliliit na sanga ng santol at kunwari ay sigarilyo, tapos kukuha kami ng gumamela ilalagay namin sa tubig, pipigain namin hanggang sa maging malapot at tatawagin naming langis. mayroon kaming bahay-bahayan. magsisimula kami na masaya at magtatapos na sa tanghali na magkaka-away. nakakatawa ngang isipin hindi ba? tapos pagdating ng hapon magkakabati na ulit kami. tapos malalaro ng sipa, teks, sikyo, chinese garter at patintero. ganoon ang buhay ko noong na sa unang baytang ako. paulit-ulit at nakakatawa. at dahil bata pa nga madami pa akong mga bagay na hindi alam. at aba! pagsapit ng huling taon kandidata ako sa mga may medal. tuwang-tuwa ang aking inay at ama sa unang taon pa lang ng pag-aaral ay may sabit agad.

Ikalawang baytang na ako. maraming masayang nangyari sa akin dito. medyo iba na nga lang araw noon. dito ako nagsimulang ilaban hindi sa away kundi sa mga akademiks. ito pa ang masaya noong nakipag-suntukan ako sa lalaki. nakakahiya mang aminin pero totoo. pero humingi naman ng tawad nung naka-away ko. ikatlong baytang ang masayang alaala ko lang ay nung mayrasyon ng tinapay. wala akong lalagyan ng tinapay kayat kukuha ako ng papel at doon ko ilalagay. mayroon pa noong natakot ang guro ko dahil nagdugo ang ilong ko na kailangan tawagin ang mga magulang ko. mayroon pa na nahulog ako sa papaya at nagkaroon ng sugat na naging peklat sa kanang bahagi ng braso ko.

Nang na sa ika-4 na baytang na ako lumipat kami sa pangasinan. doon ko naranasan ang ibat-ibang karanasan. inilaban ako sa ibat-ibang contest at nakarating sa division. masasabi ko din na marami akong naiambag na karangalan sa aking paaralan. ganoon din noong ako ay na sa ika-5 baytang. sa ika-6 na baytang, nagpasya akong lumipat nang paaralan dito sa laguna. sa pagtatapos ng taon hindi ko naranasan na umakyat sa entablado para abutin ang deploma ko dahil nagkataong kasal ng ate ko. ngunit isang pangako ang nabuo sa aking isipan na dapat matupad ngayong high school.

Bumalik ulit kami sa pangasinan. doon ako nalungkot sapagkat naghirap kami ng lubos. lahat kami ay umuwi sa pangasinan. naging washer ng bote ng alak ang aking mga magulang. naranasan nila na magkaroon ng alipunga para lang mkakain kami. nakitira kami sa bahay na tiyahin ko. tuwing naaalala ko iyon, naiiyak ako. muntik nang mapariwara ang buhay ko. nabarkada ako sa mga barkadang may fraternity. salamat na lang at nanaig ang awa sa magulang kayat di ako napasama sa samahan nila. sa ikalawang taon ng pag-aaral sa high school nabarkada ulit ako at bumaba mga marka ko. s mga panahong iyon, awang-awa ako sa mga magulang ko kayat nagpasya akong lumipat ng paaralan. gaano kasakit para sa akin na ipamukha sa amin na nakikitira lang kami? bakit po ba may mga taong kahit kadugo mo na pinipilit kang ibagsak? diyos lang ang aking makakapitan ng mga oras na yun. namayat ang mga magulang ko sa pag-intindi sa amin. doon ako napilitan magtrabaho. estudyante sa araw ng lunes hanggang biyernes. sa araw ng sabado at linggo isa akong katulong at tagapag-alaga. gaano kasakit para sa akin iyon? tiniis ko lahay nang iyon dahil gusto kong kumita nang sarili at matustusan ang pag-aaral ko. sa loob ng 3 taon, masasabi ko na matyaga ako sapagkat sa halagang isang libong piso kada buwan sa trabaho pinilit kong makatapos ng pag-aaral. masakit para sa amin ang nangyari sa amin. mayroon pa noong binagyo kami ng bagyong peping. lumipat kami sa evacution center dahil sa taas ng tubig.

Ngayon ay nag-aaral ako na ika-4 na taon sa high school. minsan naisip ko napaka-unfair naman NIYA. bakit ganoon? bakit kung sino pa ang mga taong gusto at nagsusumikap na magtapos sila pa yung walang-wala? pero sa huli naisip ko, swerte ko din pala, ang iba nga di pinalad na magkaroon ng magandang pamilya. samantalang ako, sa hirap at ginhawa kasama ko sila. sa lungkot at saya andiyan sila. di ko rin maiwasang pagkumpara ang sarili ko sa iba. bakit kaya ganito ang buhay? minsan kahit anong laki ng problema ko, dinadaan ko na lnag sa biro at tawa. kasi para sa akin masaya na ako bastat napapatawa ko ang mga taong malapit sa akin. ugali ko rin ang pangaralan ang iba pero ang sarili ko di ko kayang pangaralan. haynaku! ang buhay nga naman mabait pa din SIYA sapagkat pinagkaloob niya ako sa mga taong may paninindigan at pagsusumikap. yun bang kahit magdikdik kami ng asin ay ayos lang basta magkakasama kami.

Marami akong pangarap sa akin at sa pamilya ko. tulad nang nasabi ko sa una may pangarap ako na dapat matupad ngayong high school. yun ay ang makaakyat sa entablado at masayang inaabot ang diploma habang nakitingin sa ina ko at masayang nakangiti. isa sa mga pangarap ko ang makapagpagawa ng sariling bahay. isang bahay na maganda. yun bang magbubuhay hari at reyna ang aking mga magulang para naman maranasan nila ang masarap na buhay. at para na rin patunayan sa mga taong nangmata sa amin na hindi sa lahat ng oras ay kaya nila kaming sumbatan. pangarap kong mapagtapos ang aking bunsong kapatid. higit sa lahat pangarap ko din na maging isang Call Center Agent. ito ang hilig ko. pangarap ko sa pamilya ko? magarbong buhay, pero pangarap ko sa aking sarili ay isang simpleng buhay.

Gusto kong ipatikam sa mga magulang ko ang kalagayan ng isang buhay na parang na sa langit. gusto kong ipakita at iparamdam sa kanila ang langit na nararamdaman ng mga taong mayayaman. isang langit na di nila natikman ngayon. naniniwala akong nasa likod ng hirap ko ay may isang langit na nakalaan para sa akin. naghihintay lang ng sipag at tiyaga. at pangako ko sa sarili ko na maaabot ko iyong langit na iyon. hind muna sa ngayon, pero lalo sa madaling panahon.
ako ngayong 4th year:)

                                                                        

Nagpapasalamat ako sa diyos, sapagkat sa mga pagsubok na binigay NIYA lalo akonh naging matatag. lalo kong naisip ang tunay na kahulugan nang sipag at tiyaga. gusto kong isigaw sa buong mundo na balang araw aangat din kami. salamat sa kanya sapagkat isa na akong babaeng matatag, babaeng may paninindigan at pangarap.

Gusto kong isigaw na " may langit para sa akin". sabihin na "inay, itay, maghintay lang kayo sapagkat darating ang oras na tayo naman ang na sa itaas". gusto kong ipagpilitang "inay, itay mahal ko kayo, asahan ninyo magtatapos ako para tulungan kayo at ipadama ang isang langit na di ninyo inaasahan".

si silke, ako at si apple
Ako yan at ang aking mga kaibigan. higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanila. kapatid, at kapamilya na din na matatawag sila. sila ang takbuhan ko pag may problema ako. kaya naman sa pagtatapos kong ito. hindi ko sila makakalimutan kahit anong mangyari.
mga best friend ko at ako



Alam kong darating ang araw, ibang landas na ang tatahakin namin. pero mananatili pa din sila sa puso ko. hanggang maabot ko ang aking mga pangarap.

si apple,ang bestfriend ko



Siya ang pinaka-kalog sa aming grupo.siya si apple. masaya ako na kasama siya. pero mas masaya pag kumpleto ang grupo. isip bata man pero mahal namin siya. kahit anong mangyari nagtutulungan kami. sabi nga namin,"ONE FOR ALL, ALL FOR ONE..." problema ko, problema nila. problema ng isa, problema ng lahat.ganyan kaming magkakaibigan.darating ang araw magkikita ulit  kami.yan ang talambuhay ko, simple ngunit may aral.
Salamat po:)
                             

No comments:

Post a Comment