Saturday, February 19, 2011

Ang aking mga karanasan





Ang talambuhay ni Ricky L Tenorio




Ito ako ng binibinyagan ako





Ito ako nung nagfieldtrip kami sa Manila Zoo




Noong ako ay bata pa mahilig akong makipaglaro sa mga kaibigan at mga kapatid ko. Halos araw-araw ay nasa labas kami at naglalaro. Inaabot na nga kami ng gabi sa paglalaro noon. Nang ako ay mag-Kinder ay napakalikot ko noon. Hindi ko pa nga alam noon kung ano ang aking pangalan, ang guro ko pa nga noon ang naglalagay ng pangalan ko. Nag lakbay aral nga kami noon  sa manila zoo ay sabik na sabik ako at napakasaya ko noong nakasama ako, ayun ang  unang beses na nakakita ako ng ganung mga hayop. Nilibot pa nga naming iyon.


 Ito ako nung nagrecognition kami

Nang ako ay tumuntong na sa unang baitang ay napakalikot ko parin noon at mahilig parin akong maglaro. Dahil narin sa aking kalikutan ay naaksidente ako noon habang kami ay naglalaro, nahulog ako sa may entablado doon pa sa may kanto ng entablado tumama ang aking mukha at ako’y umuwing duguan at luhaan. Ang puti kong damit ay naging pula. Pagdating ko sa bahay namin ay laking gulat ng aking ina, agad niya akong inalalayan at tinanong kung ano ang nangyari sa aking duguang mukha, habang ako’y kanyang tinatanong ay agad din niyang ginamot ang aking natamong sugat. Malapit narin noon ang aming Christmas Party, akala ko pa nga noon ay hindi ako makakadalo sa pagtitipon na iyon, buti nalang ay gumaling na agad ang sugat na aking natamo. Nang ako ay tumuntong sa ikalawang baitang ay natuto akong rumespeto dahil ako ay natakot sa aking guro.

                                 Ito naman ako ng ako ay grumaduate ng elementary




Nang ako ay makatapos na sa mababang paaralan, ako ay napahinto sa aking pag-aaral sa kadahilanang kulang kami sa pinansyal na pangangailangan. Nag-aaral parin noon ang aking kapatid na panganay sa kolehiyo at ang isa ko pang kapatid sa sekondarya sa isang pribadong paaralan siya nag-aaral kung kaya hindi kaagad ako nakapag-aral ng sekondarya. Pumayag naman ako sa mga naging desisyon ng aking mga magulang dahil malapit narin silang makapagpatapos sa kolehiyo at sekondarya. Di naglaon ay nagsimula akong tumulong sa aking ama sa pagtatrabaho. Naging katulong niya ako sa kanyang mga gawain, naging taga-pintura niya ako ng kanyang mga ginagawang proyekto, welder kasi ang tatay ko, lahat ng klaseng materyal na bagay na yari sa bakal ang aming ginagawa. Hinahangaan ko ang aking ama sapagkat siya ay napakasipag at mabait, bilang isang haligi ng tahanan ay nagagampanan niya ng maayos ang kanyang mga responsibilidad sa amin. Napagtapos niya ang isa sa amin. Habang ako ay tumutulong sa pagtatrabaho ng aking ama ay iniipon kong lahat ng binibigay niya sa akin kung baga ay parte o tinatawag na sweldo. Iniipon ko talaga un para sa aking pag-aaral kayat nagsikap ako ng husto upang makapag-ipon. Hinihiram din ng aking ama ang aking naipon paminsan-minsan kapag wala siyang pera o di kaya’y kulang ang pera niya pambili ng mga materyales. Hindi ko man lang talaga ginagastos ito kahit na mayroon akong gustong-gustong bilhin. Pinipilit ko talagang hindi ako gumastos noon, kahit na nahihirapan na akong tumulong sa aking ama ay pinipilit ko parin ang aking sarili dahil para rin naman ito sa akin o para rin sa aking pamilya dahil pare-parehas lang naman kaming makikinabang sa banding huli. Nakaisang taon din akong tumutulong sa aking ama hanggang sa kasalukuyan, hindi rin nagtagal ay nalalapit na ang araw ng pasukan, pinapili ako ng aking mga magulang kung saan ko gustong pumasok, sa pribado ba o sa pampublikong paaralan. Ang aking napili nuong una ay sa pampubliko dahil masmakakamura kami dito. Pinuntahan namin ang iskwelahan, pero noong nakita ko ang iskwelahan ay bigla akong nagdalawang isip sa kadahilanang napakarami noong nag-papalista kung kaya’t binago ko na ang aking desisyon ukol ditto. Pinili ko na sa pribadong paaralan na cako pumasok dahil kakaunti lamang ang pumapasok dito at may airkon pa, kung kaya’t sa KINTNER CHRISTIAN ACADEMY ako nag-aral ng sekondarya.

Nang magpapasukan na ay sabik na sabik ako, nung nagsimula na ang pasukan ay kinabahan ako dahil wala akong kakilala, hindi rin naming nagtagal ay nakilala ko rin silang lahat at naging kaibigan. Napakasaya ko noong mga araw na iyon dahil lagi kaming nagbibiruan at nag-aasaran kahit na may guro na ay patuloy parin kami sa mga biruan at tawanan. Di naglaon ay natapos na ang isang taong at ang iba kong naging mga kaklase ay lumipat na ng ibang paaralan, hindi ko alam ang kanilang dahilan kung bakit sila lumipat at ang iba naman ay hindi na tinanggap sa aming paaralan. Noong nasa ikalawang antas na ako sa sekondarya ay hindi parin kami nagbabago, makukulit at pasaway parin kami kahit na ang iba kong mga kaklase ay lumipat na ng paaralan kami ay patuloy parin sa pag-aasaran at pagbibiruan kahit na may mga bago kaming mga kaklase ay madali naman naming silang nakasundo. Nang patapos na ang taon ng pasukan ay nalaman kong hindi na kaya ng mga magulang ko na pagaralin ako kayat nagpasya silang ilipat ako sa pampublikong paaralan at bigla akong nalungkot sa balitang iyon. Kinausap ko ang mga kaibigan ko tungkol dito, tinanong ko sila kung saang iskwelahan ang magandang pasukan at nagbigay naman sila ng kani-kanilang mga opinion ukol dito.


Pumapasok na ako noon sa ikatlong antas ng sekondarya sa DIZON NATIONAL HIGH SCHOOL, maayos naman noong una pero hindi naglaon ay nakaramdam ako nang kakaibang pakiramdam sa aking tiyan, nalaman kong mayroon napala akong sakit na ulser. Napasok nga ako noon isang beses isang linggo lang, akala ko nga noon na hindi ko na matatapos ang ikatlong antas ko sa sekondarya buti nalng ay nakapasa parin ako kahit paano.

Ngayon naman ay ang huling taon ko na sa sekondarya, kasabay noon ay ang laking tuwa ko dahil gumaling narin sa wakas ang ulser ko, naipagpapatuloy ko naman ng maayos ang aking pag-aaral at lalo ko pang pinagsisikapan dahil sabik na sabik na akong makatapos ng aking pag-aaral. Maraming mga masasayang aktibidad ang aking dinaluhan ngayong taon at doon ko nalaman na meron din naman pala akong angking talento. Handa akong gawin ang lahat ng aking makakaya para sa aking pamilya at para sa aking kinabukasan.

No comments:

Post a Comment