Wednesday, March 23, 2011

Sino nga ba ako?


Sino nga ba ako?
-ang talambuhay ni Apple Sheena R. Silvestre

ako at ang pamilya ko



                Ako po si Apple Sheena Silvestre 17 taong gulang. Pinanganak noong ika-7 ng marso 1993. Naalala ko noong apat na taong gulang pa lang ako dumedede pa ako sa bote. Sabi ng mama ko, hindi ko na daw dapat gawin yun dahil hindi na ako bata. Noong 5 taong gulang ako ay nag-aaral na ako nang kinder. Palipat-lipat kami ng school dahil sa trabaho ng papa ko. Kayat ang mama ko na lang ang naghahatid sa akin sa pagpasok sa eskwelahan. Isang araw ng sunduin ako nang aking mama ay naaksidente ako dahil sa kagustuhan kong bumili ng candy sa kabilang tindahan ay bumitaw ako sa pagkakahawak ng aking ina. Derederetso ako sa aking pagtawid at hindi ko namalayan na may paparating na motor. Napatigil ako sa gitna ng kalsada. at di na nakapagpreno pa ang drayber ng motor. Ako ay nabangga at tumalsik sa kabilang kalsada. Agad naman akong dinaluhan ng aking ina. at pumara ng isang tricycle ang aking ina para dalhin ako sa ospital. Sinabi ko sa aking ina na nawawala iyong isang pares ng sapatos ko. Bumaba saglit ang aking ina upang hanapin ang aking sapatos. Nakakatuwa mang isipin na sa bubong pala ng tindahan tumalsik an aking sapatos. Nang nakasakay na kami papuntang ospital ay nanginginig ang buong katawan ko. Nang nasa ospital na kami ay  nakita ko iyong batang babae na tinatahi ang ulo.takot na takot at umiiyak ako sapagkat akala ko ay katulad ng ginawa sa batang babae ang gagawin din nila sa akin.Ibinili ako ng tinapay at juice ng aking ina para tumigil na ako sa pag-iyak.

ako nung una akong umabay sa kasal ng tiya ko.


             Noong mag-aanim na taong gulang ako ay naghiwalay ang aking mga magulang. Pinipilit ko si mama na isama ako sa kanyang pag-alis ngunit dahil sa medyo malala na ang kanyang sakit ay hindi na niya ako isinama. Baka raw hindi niya ako maalagaan. Iyak ako ng iyak hanggang sa makutulog ako. Simula noon mag-isa na lang ang aking ama sa pagpapa-aral sa aming magkapatid, hanggang sa makatapos ako ng elementarya.

Noong labing-dalawang taong gulang naman ako,ay nag-asawa ulit ang aking ama.nagpasiya sila na lumipat kami ng tirahan sa Malvar,Batangas. At dun na din ako nag-aral ng High School. Ang aking ama ay sa San Gabriel San Pablo City pa rin nagtatrabaho,ang lugar kung saan kami dating nakatira. Ngunit hindi naging maganda ang pagtrato sa akin  ng aking step-mother. Lagi niya akong sinisigawan at pinapalo dahil lang sa konting pagkakamali na aking nagagawa. Nang dahil sa kalupitan na ginagawa ng aking step-momther,ay natuto akong magcut ng klase,magbulakbol at magrebelde.Sa bahay ng aking kaibigan ako pumupunta kapag hindi ako pumapasok. Nauwi lamang ako sa aming bahay kapag alam kong oras na ng awas namin. Nang minsang makita ako ng aking nakatatandang kapatid na pinapalo at sinisigawan ng ina ng aking madrasta ay nagpasya na ang kuya ko na tumakas na lang kami sa poder ng aking ama upang hindi na muli pang maulit ang pagmamalupit nilang mag-ina sa akin.at dahil sa nangyaring iyon ay napatigil ako sa pag-aaral.

             At dahil din sa nangyari, nagkahiwalay kami ng aking ama. Napapunta ako sa poder ng aking ina. Isinama niya ako sa Visayas. Naranasan kong mag-biyahe ng malayo sakay ng bus noong sumakay kami sa barko ay natakot ako dahil ang pakiramdam ko noon ay parang anumang oras ay mahuhulog ako sa dagat at makakain ng pating.naging masaya ako doon dahil madami ang nakilala ko at naging mga bagong kaibigan ko. Lagi kaming pumupunta sa ilog. Nanghuhuli kami ng katang,isda at hipon nangunguha din kami ng tulya.   Nang minsan kaming maligo sa ilog ay may nangyaring hindi ko malilimutan. Kasama ko noon ang mga kaibigan ko, naglalangoy sila doon sa malalim na parte ng ilog. Siyempre ayoko namang maiwang mag-isa kaya kahit hindi ako masyadong marunong maglangoy ay sumunod pa rin ako sa kanila. Nang nasa may parteng gitna na ako ay medyo nahihirapan na akong maglangoy parang namamanhid na ang aking kamay at paa. Hanggang sa unti-unti ko nang nararamdaman na lumulubog na pala ako. Pinilit kong makalangoy pero hindi ko na tlga kaya.
               Hindi na rin ako makasigaw dahil marami na akong naiinom na tubig. Mabuti na lang at nakita ako ng isa sa mga kaibigan ko. Tinulungan niya akong maka-ahon at hinila niya ako sa mababaw na parte ng tubig. Dahil sa nangyari ay nagpasya na kaming umuwi ng bahay.Sinabi ng aking pinsan sa aking ina ang nangyari.kaya naman ang dami kong inabot na sermon. Pinagbawalan na din ako ng aking ina na huwag na huwag na daw akong maliligo sa ilog dahil kapag nangyari ulit iyon ay ibabalik na niya ako sa aking ama. Pero dahil sa pasaway ako ay palihim naman akong naliligo sa ilog. Minsan ay isinama ako ng aking ina sa bundok kung saan ay naroon ang iba’t-iba nilang pananim.Pero hindi ako nakapag-aral doon dahil na rin sa kahirapan ng buhay doon. 
             Kaya naman ipinasya ng aking ina na ibalik na lamang niya ako sa aking ama. Upang ang aking ama na lamang ang magpa-aral sa akin. Di ko akalain na sa murang edad ko di ko naisip na ganoon ang kahihinatnan ng buhay ko. Di ko naisip na masakit pero kailangan kong tanggapin. Masaya ako na gumaling ang aking ina sa sakit na leukemia. Salamat sa diyos at hindi niya ako pinabayaan. Mabait pa din siya sapagkat hindi niya ako hinayaan na tuluyang mangulila sa ina. Naisip ko tuloy na pag nawala si mama, ulila na nga ako sa pag-aalaga niya pati ba naman ang presensya niya mawawala pa?

           Malungkot man ang buhay ko pero nananatili akong matatag. na sa poder ako ng aking ama. Di ko nga lang kasama ang aking ina. Salamat na din sa mga kaibigan ko na patuloy na nagpapasaya sa akin. Ito ako at ang buhay ko. Alam ko sa likod nito may isang magarang buhay para sa akin.
ako ito ngayon

ako  kasama ang mga kaibigan ko:)
         Heto naman ako ngayong 4th year na ako. Kasama ko mga kaibigan ko. Sobrang saya ko dahil kahit anong mangyari hindi kami nag-iiwanan. Sila ang kasama ko sa hirap at ginhawa nang aking buhay. Para na kaming magkakapatid kung magturingan. Sa wakas, matatapos na rin ako nang high school kahit malayo sa akin ang aking ina. Sigurado ako na matutuwa ang aking mga magulang dahil kahit na magkahiwalay ang aking mga magulang ay heto ako ngayon,maghahandog na ng aking diploma sa kanila.
kami pa rin ng mga barkada ko!


No comments:

Post a Comment