Saturday, February 19, 2011

anak sa hirap - talambuhay ni silka katharina klieber

ANAK SA HIRAP
-talambuhay Ni Silke Katharina Klieber
Ako si Silke Katharina Klieber, 16 taong gulang. Ipinanganak noong October, 17. 1994 sa Manila Doctors sa Lungsod ng Maynila. Ang aking ama ay si Helmut Klieber(german) at ang ina na si Remedios Suquiat Klieber. Apat kaming magkakapatid, 3 maria at 1 hari, subalit namatay ang aking kapatid na lalaki o ang kaisa-isa naming hari noong February 2002. At ngayon 3 na lang kami magkakapatid na lahat ay maria. Nag-aral ako noong elementary sa Maynila, grade 1 hanggang grade 4 sa Sta. Isabel College at napalipat kami dito sa Laguna at dito ko ipinagpatuloy ang aking pag-aaral.
iyan ako nung nagsagala ako noong grade 5 sa aming lugar.

Nag-aral ako ng grade 5 hanggang grade 6 sa Don Enrique Bautista Elementary School dito sa Farconville Calihan. Di ko malimutan noonggrade 5 ako, sumali ako ng sagala o Reyna Elena dito sa aming baranggay, at lumaban din ng singing contest. Nung grade 6 naman ako, sumayaw kaming magbabarkada sa Plaza noong piyesta doon taong Jan. 2007. Sobrang saya ko noong mga panahong iyon, kasi kitang-kita ko sa mga mata ng mama ko kung gaano siya kasaya makita akong sumasayaw sa entablado. Ngunit, ako, malungkot na masaya din, dahil hindi ako nakikita ng ama ko na magperform sa entablado.
iyan naman ako ngayong 4th year high school ako. laki nang pinagbago ko no? nagmatured ako, di lang physicaly but also mentally.

Lumaki asi ako ng walang ama, hindi ko nga din alam kung paano magmahal at mag-aruga ang isang ama. Sinasabi lang sa akin nila mama ang tungkol sa kanya, nagkukwento. Sabi nils kung mag-usap daw kami dati ni papa, pa-german daw, hindi raw ako marunong magtagalog o mag-ingles. Ngunit nung umalis siya, limot ko na daw magsalita ng ganun. Palagi naming sinusulatan si papa. Telegrama ang uso dati noon at hind pangtawag sa ibang bansa. Naalala ko nung mga unang sulat ko kay papa, sabi ko, maalam na akong magsulat at magbasa. Marunong na din ako mag-add at mag-subtract. Nagpapadala din si papa ng liham sa amin buwan-buwan at may kasamang mga tsokolate.

2002 nung umuwi si papa sa amin. Kay tagal ding panahon bago namin siya nakapiling ulit. Halos 6 years naming siyang di nakasama. Noong una Masaya akong kapiling na ulit naming sa papa, ngunit di naglaon, pakiradam ko ayoko na siyang makasama pa. paano kasi, sa mura kong edad, konting pagkakamali lang amin ay ginagaruti na kami na papa. Yung ate Sam ko nga daw pinapaluhod sa asin at may hawak sa 2 kamay na libra at pati na din saulo. Di ko makalimutan yung pinagbuhatan ako nang kamay ng papa ko dahil lang sa di sinasadyang pagkakamali, nahampas ko ang ate ko noon.

Sabi ko dati,”grabe ganito pala magkaroon ng ama, sana hindi nalang siya bumalik”. Mula noon, nakaramdan na ako ng galit sa ama ko pero hindi purong galit, siguro dahil naisip ko, bilang pagdidisiplina lamang iyon kaya niya nagagawa ang mga bagay na ganoon. Pero sa kabila ng mga yun, nakita kokung gaani kami kamahal ng papa ko nung namatay ang kuya ko. Kahit hindi niya ito tunay na anak, tinuring parin niya itong anak. Hindi niya kami iniwan nung mga panahong hinagpis na hinagpis kami. 17 years old lang ang kuya ko nung namatay ito. Papa ko ang sumagot ng lahat ng gastusin oon at kami nila mama ay walang nagawa kundi umiyak na lang ng umiyak. Doon ko nakita na talagang mahal kami ng papa ko at hinda kami pinabayaan.

Matapos ng lahat ng iyon, ilang buwan ang nakalipas at umalis na ulit siya noong 2003. Bumalik siya sa germany upang magtrabaho ulit at makapag-ipon ng pera para sa amin. Nung nawala si papa, oo aaminin ko, nalungkot ako kasi nawalan na kami ng isnag lalaki, mawawala pa siya. Pero masaya na din dahil ilang taon din kami mawawalan ng tatay na walang ibang ginawa kundi manggaruti pag nagkakamali kami. 2004; grade 4 ako, sinali ako ng titser ko sa U.N. ang suot ko noon ay german dress. Grabe ang ganda ko noon. Parang Barbie doll lang.

Pagkatapos ng grade 4, syempra grade 5 at grade 6. Naalala ko nung grade 6 ako, may isang lalaki na nagkagusto sa’kin. Wari ko obsessed na nga yata eh. Hindi ako tinatantanan, hanggang ngayon! Graduation time. Ang saya ko at nakagraduate ako. Grabe high school na ako! At heto na nga. High school! First year; taong 2007 sa San Pablo Colleges. Wow exciting! Noong unang pasukan bago ako magpunta sa school lagi kong kinakanta ang kantang first day high. Tinatawanan ko nga sarili ko sa daan eh. Para kasi akong baliw. Masayang di mo maintidihan ang pakiramdam dahil high school! Masaya naman ang 1st year ko. Nagkaroon na madaming crush. Natuto akong gumawa ng extension cord or wire, at highit sa lahat, natuto akong makisama sa mga tao. 2008; 2nd year high school, medyo naghirap na kami. Nagbago ang buhay namin noon. Hindi ako nag-eexam tuwing examination day naming, palagi akong special exam. Wala kasi kaming pangbayad sa tuition fee. Umabot na nga ng P8000 plus ang utang namin sa S.P.C.  naranasan ko noon na magtrabaho, nagtinda ako noon ng bracelet, hikaw, bag na gawa sa cord( o sinulid) saka ng cellphone case. Si mama lahat gumagawa noo, ako lang ang nagtitinda. Naranasan ko din noon na binigyan ako ng Sir at Maam ko ng baon.

Noong una ayaw kong tanggapin kasi nakakahiya, pero pinilit nila ako kasi hindi na ako kumakain noon pag umagahan at tanghalian. Awa nang Diyos nakatapos ako ng 2nd year ng…. sabihin na natin na puro hirap, ngunit nagsumikap ako. Walang-wala na kami pang-tuition noon kaya nagpasya ang mama ko na lumipat kami ng school at ng tirahan. Dati kasing nasa apartment kami nakatira, ngayon sa bahay na ng mga kapatid ni mama. 2009 bakasyon; lumaban ako ng Mutya ng San Gregorio nung ,ga oras na iyon. Grabeng hirap ang pagparaktis naming dito. May pictorial pa ngang naganap, ang panget ko at ang taba ko pa noon! Tapos Mutya Night na!! and gosh. I can’t believe it!!!!! Nanalo ako!!!! Ako ang Mutya ng San Gregorio noong 2009. Then 3rd year high school. Nagtransfer ako sa Dizon High. Wala along kakila-kilala noon. Butiu nalang transferee din doon yung classmate ko nung 2nd year, si ate Giselle Sacdalan. Maganda naman at Masaya sa school na iyon. Ngunit, mas nagging Masaya ang 3rd year ko ng makilala ko ang isang lalaki at binigyang kulay ang mundo ko. Mas makulay at mas maliwanag kaysa sa dati. Nagbago ang buhay ko noon. Noong una magkaibigan lang kami at magkaklase, hanggang sa maging kami. Ang saya-saya ko sa piling niya! Naalala ko, sinuportahan niya ako noonh sumali ako sa Mr. and Ms. Intramurals, yun nga lang hindi niya yata ako napanood. Tapos hangga’t sa dumating ang Shindig, magkasama kami nanood. Tapos JS Prom pa. siya ang first dance ko, pamgalawa si Santiago at pantatlo si Odigerb. Feb.13 kami nag JS Prom at kinabukasan ay araw na ng mga puso.
iyan naman ako noong 3rd year high school ako.

heto ang mga kaibigan ko na tinuturing kong kapatid. kahit magugulo kami sama-sama kami sa mga kasiyahan at kalungkutan nang bawat isa. sama-sama at walang iwanan sa ere. pag kailangan ko sila, hindi sila nagdadalawang isip na tulungan ako. yan ang tropang "CHUBBYLITAZ".....
Matapos ang 3rd year, 4th year naman, 2010; kami pa din, yun nga lang hindi na kami magkaklase, pero ayos lang. madaming pagsubok ang dumating sa akin ngayong 4th year. Pero nakaya kong lampas an ang lahat ng yun at ko ang lalaking nagpatibok ng puso ko. Isang taon na kamimg mahigit, di ko akalain na magtatagal kami ng ganito, tanngap siya ng family ko at ganoon din ako sa family niya. Lahat ng magagandang pangyayari sa buhay ko ay may kapalitna kalungkutan, tulad na lang ng nagkasakit ang mama ko, na-ospital at nabuntis ang ate ko. Pero kinaya naming ang lahat ng iyan. Hindi lahat ng karanasan ay magaganda, lagging tatandaan na may kadikit itong kapighatian. Nawa’y sa mga darating na taon ay gumanda at umayos na ang takbo ng buhay namin. At maging langit na ang buhay na punong-puno ng kahirapan. At kahit anak lang ako sa hirap, hinding-hindi nawawala an gaming kasiyahan at pagmamahalan.
heto po ako nung nag-SM kami. kasama ko dito mga kaibigan ko. opening itto nung SM. nitong 4th year lang.

No comments:

Post a Comment